The Ink Well Fiction Prompt #108 | Two Hearts
Quarantine day 2 (paranormal true story) Tagalog english
Tagalog
"WOOOOHHHH...."
"Ano kaya yon? Baka malakas na hangin lang." Tinanong ang sarili sa mahinang boses kahit nag-alala.
Nag aasta akong walang narinig at kinausap ang sarili. Wala lang, para lang ibaling ang isipan sa ibang bagay.
"BANG!!" May nahulog sa kisame.
"Baka isang kahoy lang, yong patay na."
Gumagawa ako ng dahilan sa tonog dahil ang totoo nag-umpisa na akong matakot. Lumilingon-lingon sa kada sulok pero wala namang andyan at gusto ko lang makasiguro.
English
"WOOOHH!!.."
"What's that sound? Maybe just a strong wind." I asked myself with a low tone voice.
I'm acting that I ignored that sound and talking to myself. It's just nonsense, just to make my mind diverted from different things.
"BANG!!" Something fell in the roof.
"Maybe just a piece of wood, a dried one."
I assumed for that sound because the truth is I'm starting to be afraid. I glanced every side of the room. Nothing's there but I just want to make sure.
Tagalog
Pangalawang araw na ngayon na akoy nakaquarantine sa skwelahan ng elementarya. Bago ako nakarating dito may naririnig na akong sabi-sabi tungkol sa isang silid-aralan dito. Hindi ko inakala na dito pala ang punta ko at ang masama ako lang mag-isang mamalagi dito. Noong unang araw akong dumating dito, paumaga na at wala naman akong napnasin. Nakatulog agad ako dahil sigruo sa haba ng biyahe at napagod ako. Paggising ko umaga na at wala namang kapansin-pansin na nangyari. Mayroong dumadaan-daan sa harap, katulad ng mga guro dahil nag memeting sila medyo distansyang gusali. Pero ng ang araw ay simula ng bumaba at binalot na ng dilim ang paligid. Narinig ko na ang ingay ng mga insekto, gumagalaw na dahon dahil sa ihip ng hangin at lumalamig na ito. Ang buong paligid at natakpan na ng katahimikan.
English
Today is Day 2 of my quarantine in the elementary school. Before I arrived here I already heard rumours about this one room. I never thought I ended up staying here and what's worst is I'm staying by myself. There are 3 rooms in this classroom. It was divided with only curtains. In day 1 when I arrived, it was dawn already and I noticed nothing. I fell asleep right away maybe because I was sleepy and tired of a long trip. When I woke up its morning already and nothing seems unusual. People are passing by in front, I mean the teachers are having a meeting in the next building but quite far. But when the sun starts to set and darkness devours the surrounding. I heard noises from insects, moving leaves because of the wind and it became colder. The whole surrounding is covered with silence.
Tagalog
Ayon sa aking kaibigan may dalawa syang pAmangkin na pumalagi dito at medyo mAtagal na. Ang isa nakaranas ng kababalaghan dahil ang laptop nya ay biglang namamatay. Bago naman daw yon kaya impossibleng may sira na. Kaya ng sinoot nya ang headset sa tenga para at manood ng palabas para maiwasan ang pag-iisip ng kung ano ano dahil napaka tahimik sa paligid. Bigla na lang daw namatay ang laptop nya. Sobra syang natakot kaya nakadesisyon syang tumabi sa kapatid nya kahit bawal. Hindi gawa-gawang storya yon kasi may narinig din akong kababalaghan mula sa ibang tao na namamalagi dito. Salamat sa storyang yon kaya noong dumating ako dito panay bantay sa paligid.
English
According to my friend he had 2 nephews stayed here for quite some time. The one experienced paranormal activity when his laptop was suddenly turned off. It was new so it's impossible to have a defect already. When he put the headsets in his ears to watch the movie because he wants to avoid thinking about different things that makes him scared. His laptop was suddenly turned it off. He was so afraid so he decided to go closer to his brother even though it's prohibited. I didn't think that was a made-up story because I heard other people who were being quarantined experienced the same. Thanks to his story when I arrived here I kept on observing the surrounding.
Tagalog
Alas 5:30 na ng hapon ng tiningnan ko ang oras. Nagsialisan na ang mga guro ng ang sanlibutan ay nag-umpisa ng dumilim. Umihip ng malamig ng hangin ang paligid habang nag-iisip ako na baka may magpapakita.Nakakabingi ang katahimikan na tanging ang narinig ko ay tulo ng tubig mula sa gripo. Habang pinakikinggan ang tulo ay bigla kong naalala ang nakakatakot na parti sa mga horror na palabas. Naiisip ko tuloy kung anong kasunod na mangyari kaya pinagmasdan ko ang buong paligid. Guminhawa ako ng wala naman akong nakita.
English
Time check and it's 5:30 in the afternoon. The teachers are leaving as the world gets darker. The wind blows coldly as I'm thinking that maybe something will show up. It's so quiet that I only hear the droplets of water from the faucet. While hearing the water drops I remember scary scenes in horror movies. I imagine what will happen next so I look at the surrounding in 360°. I feel relieved because nothing is there.
Tagalog
"UYY!!" Napasigaw ako dahil sa labis na pagkagulat. Naramdaman kong may malamig na kamay na humawak sa aking paahan. Pero ng tiningnAn ko wala naman pala.
"PUT---A!!" Parang humiwalay ang spirito ko ng biglang may nahulog sa kisame.
Dyos ko, takot na takot na ako. Hindi naman talaga ako naniniwala sa ganitong bagay. Kompyansa kasi akong hindi ako matatakotin sa ganitong sitwasyon. Pero ngayon wala na, nanginignig na ang buo kong katawan. Lumabas ako para magsindi ng sigarilyo at manigarilyo. Ginawa ko to kasi nagbabakasakali na malibang ang sarili na malibang ang sarili para huminto sa kakaisip ng nakakatakot. Kaso hindi tumatalab dahil sa bawat buga ko ng usok naririnig ko ang ingay ng mga insekto na nakakatakot. Bumalik ako sa loon dahil lumalamig na rin.
English
"SHITT!!" I shouted because I was startled. After all, I felt a cold hand holding my feet. When I look at it no ones there.
"OOHH!!" I thought my soul left for an instant when I heard something fell in the roof.
God, I'm so afraid now. Actually, I don't believe this kind of thing because I'm confident I'm not a scary type of person regarding this matter. But damn my body is already shaking. I go outside to lit cigarette and start smoking. I thought it will help me to forget what just happened. But it's not working because every time I blow the smoke I'm hearing scary noises from insects. I go back inside because it's getting colder as well.
Tagalog
Kinuha ko ang phone ko at mag internet nito para manood ng palabas sa Facebook. Naghahanap ako ng makakalibang at nakakatuwa para mapatawa ako.
"Hay, salamat nakakatulong." Panay ang tawa konsa kakanood ng palabas. Ang isipan ko ay nakafocus sa panonood. Ngayon medyo gumaan ang isipan ko dahil huminto na ako sa kakaisip ng kung anong nangyari kanina. Binabaan ko kunti ang tunog dahil lumalakas na. Medyo malalim na ang gabi dahil alas 10 na.
English
I get my phone, turned the mobile data to watch videos on Facebook. I'm searching for funny videos to make me laugh.
"Yes, it's helping," I said as I keep on laughing on watching videos. My mind is now focused on watching at least. I have now a peaceful mind because I stopped thinking about what happened awhile ago. I lower down the volume because the sound gets louder as the night turns deep. It's already 10 in the evening.
Tagalog
"Shhhh..." Agad akong tumayo dahil parang may bumulong sa kanang tenga ko. Dahan-dahan akong lilingon sa aking likoran. Hindi ko alam king ano yon pero imahe ng demonyo ang pumapakota sa aking isipan. Samantalang ang ibang bahagi ng isipan ko ay nag-iisip na wala sana akong makita. Minatyagan ko ng maigi kung ano ang nadadaanan ng aking mga mata. PaAno kung wala sa likod at nasa gilid ko lang pala? Kaya hinanda ko ang sarili kung anong lalabas.
Napatalon ako sa aking isipan ng marinig ko ang tunog ng paalala sa phone ko. Isang mensahe ng kaibigan ko gamit sa messenger app. NakAlimutan ko kung ano yong nasa likoran pero ng tiningnan ko, wala namang andoon.
"Paano kaya ako makakatulog nito?" Sabi sa sarili at nag-aastang may pinagsabihan.
"Huwag naman nyo akong istorbohin. Andito ako dahil sa nakaquarantine at wala ng iba."
Kahit papaano'y lumuwag kunti ang pakiramdam ko na naipalabAs ko ang gusto kong sabihin.
English
"Shhhhh." I stood up immediately because I thought someone just whispered in my right ear. I slowly and slowly looking at my back. I didn't know what was it but an image of a monster is already showing in my mind. While the other part of my mind hoping that I can't see a thing. I keep on observing every part where my eyes could see. What if it's on beside me and not on my back. That's why I ready myself for what might will show up.
I jumped off in my thoughts when I heard a notification on my phone. It's a message from a friend through messenger. I forgot what was on my back but I still look at it and nothing was there.
"How can I sleep like this?" I"m talking to myself and as if I'm speaking to someone calmly.
"Please don't disturb me. I'm only here because I'm on quarantine and nothing else."
At least I feel a little bit better because I expressed what I wanted to say.
Tagalog
Alas 10 na at inaantok na talaga ako kaya humiga na ako sa higaan. Pinatogtog ko ang phone ko para hindi ako masisiraan sa sobrang katahimikan. Kahit mata ko'y pinipikit palagi pa rin akong nag-iisip ng nakakatakot. Kailangan may gagawin ako nababaliw kong utak. Lalo ko lang tinatakot ang sarili ko dahil dito. Pinili kong patogtogin ang meditation na togtog para kumalma ang isipan. Nakafocus ako sa nagsasalitang boses at gumagana naman. Gumaan ang utak ko pero parang hindi ako komportable sa paghiga. Hindi pa rin ako makatulog pero hinayaan ko lang at baka kailangan lang ng oras.
English
It's 10 already in the evening, my eyes are so sleepy and I lay down in bed. I let my phone plays some music so the too much silence won't make me crazy. While closing my eyes I still keep on thinking scary things. I need to do something to stop this stupid brain. I just make myself even scarier because of this. I chose to play a meditation sound to have a calmer mind. I focus on listening to the voices who are talking and it's working. I make my mind peaceful but I still feel uncomfortable in lying. I still can't sleep but I just let it be, maybe it needs time.
Tagalog
Hindi ko alam kong nakatulog ako o nakaidlip lang. Tiningnan ko ang phone ko para echeck ang oras at alas 11 na pala ng gabi. Tumayo ako dahil sa tawag ng kalikasan. Naglakad ako patungo sa banyo at habang papalayo sa tomorogtog kong phone. Halos hindi ko na ito marinig kaya ang katahimikan tinatakot nanaman ako. Naglakad akong nakabantay sa daan at sa paligid. Sana lang walang magpapakita kasi sa totoo lang ubos na ang katapangan ko. Gusto ko ng lumipat ng kwarto na malapit sa gwardya. Nakakalungkot lang at hindi pwede, puno na kasi doon. Pinikit ko ang mga mata ng makarating sa banyo dahil sa takot. Nang biglang umagos ang tubig sa gripo kahit hindi ko to binuksan. Biglang napatayo ang balahibo ko sa balat dahil hindi ko na alam ang takot na aking naramdaman. Sinarado ko nalang ang gripo pagkatapos kong umihi at agad bumalik sa higaan.
English
I don't know if I fell asleep or I just took a nap. I checked my phone but it's already 11 in the evening. I rise because of nature's calling. I'm walking towards the C.R. and when I'm getting far from my phone playing music. I barely hear the music and again the too much silence is killing me. I'm walking while observing the way. I hope nothing will show up because, to tell the truth, I reached the limit of my bravery. I wanted to change the room where the guard is near. Sad to say it's not possible because it's full already there. I arrived in the C.R. to take a piss and I just closed my eyes because of fear. The water suddenly dropping from the faucet even though I didn't switch it on. I feel my fur skin standing because I can't understand how I'm afraid so much. I just closed the faucet after I'm done and get back to my bed.
Tagalog
Antok na antok na talaga ako na kahit takot na takot pumipikit na ang aking mga mata. Nagising ako at tiningnan ko ang oras sa phone ko. Alas 3 na pala ng madaling araw, nagpapasalamat ako dahil wala namang nangyari at sa wakas nakatulog din. Heto nanaman, tawag nanaman ng kalikasan. Kahit takot ay nagtungo ako sa banyo. Bumalik agad ako sa higaan pagkatapos umihi. Nagtaka ako bakit wala ng togtog sa phone ko. Akala ko natapos na ang isang album o natugtog na lahat ng kanta. Pero ng tiningnan ko ang kanta ay huminto sa kalagitnaan. Grabe na ang takot ko pero nagalit na ako. Naiinis na ako dahil walang tigil ang pang istorbo.
"Tumigil na kayo ha, wala akong ginagwa sa inyo."
English
I'm so sleepy already that even if I'm afraid I managed to close my eyes. I woke up and upon checking the time on my phone. It's already 3 in the dawn and I'm thankful because nothing happens and at last, I fell asleep. It's nature calling again and even though I'm afraid I decided to go. I go back to my bed after taking a piss. I'm wondering why there's no music anymore. I thought the album was played it all but when I checked it. The song was being paused in the middle of it. I'm so scared but I feel so mad. I'm annoyed that they didn't stop disturbing me.
"Stop it, okay. I didn't do anything."
Tagalog
Takot pa rin ako pero pinalitan ang takot ko ng galit. Humiga ako habang nagmamatyag sa paligid. Hindi ko na napansin pero ng magising ako alas 5 na ng umaga. Lumabas ako para mag ehersisyo pero napag isip-isip ko pano na kaya sa susunod na 19 na araw na nakaquarantine?
English
I'm still afraid of course but my madness takes over my fear. I'm lying on my bed while observing the surrounding. I didn't notice but when I woke up it's already 5 in the morning. I go outside to have an exercise but I'm wondering what else could happen in the next 19 days being in quarantine.
`
END
mrnightmare
images are