Kabilang buhay


pixabay

"Pinilit kong kalimutan ka dahil alam kong sakanya ka masaya. Pero bakit ginawa mo ito?"

Walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha kasabay sa malakas na buhos ng ulan. Ang hirap tanggapin na panay bagyo nalang nangyayari sa buhay ko ngayon. Kailan lang ay napakaaraw ng buhay ko simula ng nakilala ko si Joana. Naalala ko pa kung paano unang tumibok ang puso ko dahil sa babae.

Sa isang matamlay na hapon naglalakad ako pauwi galing trabaho. Pagod na pagod ako noon at para bang wala ng lakas na natira. Bigla kong nasulyapan ang isang dalagang maamo ang mukha. Nakaupo sya sa labas ng bahay. Huminto ako para nagpahinga at mapagmasdan nalang din sya. Napansin kong hindi nakakatitig lang sya sa isang direksyon. Mayamaya'y may lumapit sakanya at inalalayan sya sa paglakad. Hindi ako naawa dahil bulag pala sya kundi tumibok na agad ang puso ko sakanya.

Lumipas ang araw at kami naging magkaiibigan pero dahil mas higit pa doon ang gusto ko.

"Bakit ako Pablo? Alam mo naman ang katayuan ko, diba?"

Paliwanag nya sa'kin pero hindi ako nakinig. Alam ko sa sarili ko na mahal ko sya at wala ng ibang.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na alam ko na kung ano ka pero minahal pa rin kita," paliwang ko sakanya.

Natahimik sya bigla at bigla pinunasan ang kanyang mata dahil napaluha sya. Naisip ko na baka nakukulitin na sya sa akin o galit na sya. Kaya humingi ako ng tawad at nagbabalak ng umalis.

"Sorry na Joana, sige aalis nalang ako. Pakiusap wag kang umiyak dahil nasasaktan ako."

Napaigham sya bigla at tumawa. Nagtaka ako kung bakit pero bigla syang nagsalita.

"Salamat Pablo, o sige sinasagot na kita. Sana'y hindi ka magsawa sa akin."

Napanganga ako at nanlilisik ang mata dahil hindi ako nakapaniwala sa sinabi nya.

pixabay

"YES!," Bigla akong napasigaw habang hinahawakan ang kanay nya at tumalon talon. "Ang saya saya ko Joana, wala ng bawian ha." Panay ang tawa nya pero hindi man nya nakita ang saya sa aking mukha. Alam ko namang ramdam nya ang boses kung punongpuno ng saya.

Lumipas ang araw at buwan na kami magkasama. Araw ko'y puno ng kasiyahan at hindi ko na alam ang kalungkotan. Salamat kay Joana dahil binigyan nya ng kulay ang buhay ko. Pagod man ako sa trabaho ay nawawala din ito pag nakikita ko na sya. Pumupunta din kami sa matataong lugar para mag date. Umaayaw sya dahil nahihiya syang lumabas pero hindi nya lang alam kung ano ang mukha ng mga tao habang pingamamasdan kaming magkasama. Ewan ko kung galit sila dahil napakaganda ng girlfriend ko at samantalang hot lang naman ako. Bahala sila basta masaya ako.

"Pablo, hindi kaba nahihiya sa mga tao na bulag kasama mo?"

Bigla syang nagtanong sa'kin. Ako naman nagmamayabang tumawa. Pero sa totoo lang ako dapat ang mahiya dahil naririnig ko mga salita nila na hindi daw kami bagay.

"Ano kaba, basta pareho tayong good-looking tahimik lang yan sila," pagmamayabang kung sagot.

Ngumiti bigla si Joana at nagtanong.

"Gwapo kaba Pablo?" Bigla akong napaaray sa tanong nya habang ngumiti at nagpatuloy syang magsalita. "Sabagay alam ko gwapo ka pero ako ba maganda?"

Hindi ko alam paano sagotin sya pero kailangan.

"Oo, napakaganda mo Joana kaya nagtitinginan sila. Ako naman, mabait naman siguro ako pero idagdag mo nalang ang hot kung aura," ngumiti ako at sabi sa sarili. "Sorry lord sa pagsisinungaling."

Tumawa lang din naman si Joana at bigla akong niyakap. "Salamat Pablo for being part of my life." Natouch ako sa sinabi nya at para akong napaiyak. "Ikaw naman, abAy dapat lang dahil mahal na mahAl kita."


pixabay

Lumipas ang buwan at biglang nagpasya ang pamilya nyang operahan si Joana sa mata. Sa akin lang kahit hindi na pero naawa ako kay Joana dahil gusto rin nyang makakita. Naulila ako sakanya at talagang miss na miss ko na sya. Araw-araw at gabi-gabi hinahanap ko sya. Masakit man sa puso ko na hindi sya makita tinanggap ko para sakanya. Ang di ko matanggap ng makita kong may kasama na syang iba ng naghintay ako sa pagdating nya sa bahay nila. Tumakbo ako palapit sakanya at pansin kong nakakita na sya. Dahil sa labis na miss na miss ko na sya bigla ko syang niyakap at tinanong.

"Kumusta kana Joa-," hindi ko natapos magsalita dahil tinulak nya ako. "Sino ka?! Mahal sino sya?" Hindi na nya ako kilala at may mahal na syang iba. Syempre hindi ko matanggap yon kaya kwinelyohan ko ang lalake at tinanong ko sya.

"ANONG GINAWA MO KAY JOANA?!"

Galit na galit ako at gusto kong suntokin ang lalaki.

"Sandali pare, kalma lang at magpaliwanag ako," sagot ng lalaki.

Hindi nakapagpaliwanag ang lalaki dahil kapatid ni Joana ang nagpaliwanag sa akin. Ang sabi nya ng papunta sila sa operasyon sa ibang bansa nadisgrasya ang sasakyan na sinasakyan nila. Nagka amnesya si Joana at ang lalaking ito ang nagbabantay sakanya habang nasa hospital at kaya noong nAgkamalay na si Joana at nakakita. Ang lalaking ito ang una nyang nakita. Hindi ko matanggap ang nangyari pero nagparaya nalang ako dahil takot sakin si Joana.


pixabay

Hindi ko kaya ang sakit na mawala sa'kin si Joana ng tuloyan. Gabi gabi akong naglasing at panay alaala sa mga masasaya naming sandali. Sa twing nalalasing na ako pumupunta ako sa labas ng bahay nila para pagmasdan sya sa tago. Ang sakit parang mamatay ako ng makita kong maligayang maligaya sa piling ng lalaking yon.

"Dapat sana ako yon," sabi ko ng mahina habang luha'y bumabaha sa aking mga mata. Hindi ko pa rin talaga matanggap na wala na sya. Sa ngayon hanggang tanaw nalang ako sakanya. Nakita ko biglang lumabas sya para magpahangin siguro. Agad agad ko syang nilapitan kahit halos natutumba dahil sa kalasingan.

"Joana naman o, nagmamakaawa ako. Pilitin mo namang alalahanin ako. Hindi mo ba talaga maala kung sino ako." Pagmamakaawang sabi ko sakanya habang lumoluha. "O naalala ko na, tinanong mo ako dati kung gwapo ba ako. Diba sabi ko gwapo ako pero sa totoo lang nagsinungaling ako para hindi ka mahiyang kasama ako."

Plano kung kunin kamay nya at ilapatnsa dibdib ko baka malaman nya pano ang tibok ng puso ko. Pero hinawi nya ito at tinulak ako, dahil sa kalasingan natumba ako sa lupa. Lalon sumakit sa pakiramdam ang ginawa nya. Wala na talaga, wala na ako sa buhay nya. Tumayo ako para umalis nalang at hindi na sya lingonin. Pero nagbabakasakaling pigilan nya ako pero wala rin kaya pinangako ko sa sarili na hindi ko na sya gugulohin.

pixabay

Lumipas ang mga buwan at hindi ko na ginulo si Joana. Nakikita ko pa rin sya minsan sa bahay nila sa tuwing dumadaan ako papuntang trabaho at pauwi. Nakaupo sa minsan sa labas pero umiiwas ako na makita nya ako. Ayoko ng isipan nya na masyado na akong makulit sakanya. Kahit masakit tinanggap ko nalang ang katotohanan. Pero isang araw di ko sya nakita na, isa pang araw na hindinsya nakita ay bigla akong nag-alala. Kinapalan ko na ang mukha ko at nagtanong ako sa magulang nya kung saan sya. Nalaman ko nalang na nasa hospital sya dahil sumasakit ang ulo nya. Napaisip ako na baka dahil sa amnesia nya.

"Joana....," Napasigaw ako para makita ko kaagAd sya sa isang room ng hospital.

"Pablo..., ikaw ba yan?" Napakahina ng boses nya at tingin koy may iniinda syang sakit.

Nilapitan ko sya at sinagot ko sya, "oo, Joana ako to."
"Pakiusap lumapit ka, gusto kong hawakan ang gwapo mong mukha." Pabiro nya kahit sa kalagayan nya.

kinuha ko ang kamay nya para ilapat sa mukha ko habang umiiyak ako. "Naalala muna ba ako Joana?" Ngumiti lang sya sa akin at sabi, "sana'y mapatawad mo ako Pablo at nasaktan kita ng labis." Patuloy kong nilapat ang kamay nya sa mukha ko habang pinagmasdan sya na ang luha ay patuloy sa pagdaloy. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya niyakap ko sya.

"Mahal na mahal kita Pablo." Nakangiti sya habang umiiyak.

Hinigpitan ko ang yakap ko at sinagot sya. "Mahal na mahal na mahal din kita Joana."

Hindi ko na maramdaman ang hinga nya kaya binitawan ko sya at tingnan sya. Pinikit na ang mata nya at ginising ko sya pero ayaw na talaga. "DOCTOR....," napasigaw ako para humingi ng tulong. Ngunit wala ng nagawa ang Doctor. Internal hemorage daw kasi yon kuha ng madisgrasya sya. Wala na, hindi ko na talaga sya makikita. Wala na ang pinakakamamahal ko.

Bumuhos ang malakas na ulan habang umiiyak ako sa harap ng pontod nya.

"Pinilit ko namang kalimutan ka nalang eh pero wag naman sana ganito Joana. Mas gugustohin ko pang nasa piling ka ng iba kesa hinding na talaga kita makita. Bakit mo ginawa sa akin to, bakit Joana.?

End...

mrnightmare