The Ink Well Fiction Prompt #108 | Two Hearts
Isa pang pagkakataon (One more chance) Taglog-English story
Tagalog
Bigla akong nasiyahan ng makita ko si, Jessa. Dati ko syang nobya noong nasa kolehiyo pa kami. Nagkahiwalay lang noong nagtrabaho na ako sa ibang bansa. Naaawa ako sa kanya sa tuwing nag-uusap kami sa pamamagitang ng phone. Umiiyak sya dahil sa pangungulila sa akin. Mahal na mahal ko naman sya pero nagpasya ako na maghiwalay kami. Nasaktan ko sya panigurado at kahit naman ako labis na din na nasaktan. Gabi-gabi na nga lang akong umiiyak dahil alam kong nasa piling na sya ng iba.
English
I suddenly feel happy when I saw Jessa. She was my ex-girlfriend when we were in college. We just broke up when I started working abroad. I pitied her when we had a video call. She was crying because she missed me so much. I loved her so much but I decided that we should just break up. I know I hurt her but even I felt so much pain. Every night I cried because I knew she was with someone else now.
Tagalog
Nakita ko na buntis na sya at kasama ang lalaking si Jonathan. Ipinagpalagay ko na baka sya ang asawa nya ngayon. Kaso hindi ko maintindihan bakit ang mga mata nya'y walang sigla. Sa isipan ko lang ba iyon o gawa-gawa lang ng aking imahinasyon. Iniisip ko kasi sa akin lang sya masaya.
English
I'm seeing Jessa being pregnant at with this guy named Jonathan. I just thought that he is her husband. I don't know but I think there's no joy in her eyes. Am I just imagining things or just my imagination? I'm thinking that she will only be happy with me.
Tagalog
"Kumusta ka Jessa?" Pangiting bati ko sakanya.
English
How are you, Jessa?" I glimpse while greeting her.
Tagalog
Parang nilalaruan talaga ako ng imahinasyon ko. Pakiramdam ko'y ang saya nya noong nagkatagpo ang aming mga mata.
"Ayos lang ako Eric," Sagot nya sabay iwas sa mga titig ko.
"Uy, Jonathan, ikaw pala ang naging asswa nya? Kumusta pare?" Pagalang kong bati sa asawa nya.
Hindi ko maintindihab pero parang ayaw ni Jonathan sa akin. Bigla syang sumimangot ang mukha nya at nagpakita ng pangungutyang ngiti. Napahiya tuloy ako kasi hindi sya sumagot at bigla nya'ng hinila si Jessa para umalis na.
"Ano kayang problema nya?" Bulong sa sarili na may pagtataka.
Lumingon si Jessa sa akin kaya nginitian ko ito. Tinikom ko lang bibig ko ng sumulyap si Jonathan Sabay sa pag-alis na Jessa sa mga mata ko ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. Labis akong nanghihinayang at nagsisi dahil pinakawalan ko sya. Ewan ko ba pero parang may naaniag akong lungkot sa mga mata ni Jessa.
English
I think my imagination is really playing me. I feel like she's happy when our eyes met.
"I'm fine Eric," She replied as she avoided my stare at her.
"Hey, Jonathan, so you're her boyfriend. How are you by the way?" I greeted him politely.
I don't understand but I think this guy doesn't like me. He suddenly frowning and smirking. I feel embarrassed because he didn't answer at pulled Jessa to leave me.
"What's with him anyway?" I whispered with questions in my mind.
Jessa glance and I glimpse. I closed my mouth when Jonathan glance as well towards me. Jessa is fading in my eyes at I suddenly feel sad. I feel so much regret why I let her go. I don't know but I sense the sadness in Jessa's eyes.
Tagalog
Habang nakikipag inuman ako kasama ang barkada. Kwinentoan nila ako sa kalagayan ni Jessa sa piling ni Jonathan. Mabait naman daw si Jonathan kaso gumagamit lang ng ipinagbabawal na gamot. Sa tuwing lolong ito sa druga nanakit na ito. May nakakarinig sa hagolgol na iyak ni Jessa. Ewan daw ba nila pero ayaw mag sumbong ni Jessa sa mga Pulis kahit pinagsabihan na nila ito. Lagi lang daw sinasabi ni Jessa, "kaya pa daw nya."
"Baka mahal nya," Sambit ko sakanila para mahinto sila sa pagkukuwento. tungkol sa masalimoot na kalagayan nya. Natahimik sila bigla at may biglang nagsalita, "siguro nga." Ayoko nang makarinig pa dahil nasasaktan ako sa kalagayan nya ngayon. Nag-iisip na ako kung anong gagawin ko dito kung totoo ito. Iligtas ko sya kung totoo lahat ito at hinayaan na matapos ang gabi na masaya.
English
While I'm having fun drinking with my friends. They told me about the situation of Jessa with Jonathan. Jonathan is a good guy they said but he's using drugs. Once he will be influenced with drugs he beats Jessa. Some people heard Jessa crying while sobbing. They don't understand because they told Jessa to go to the Police and speaks about her situation. But Jessa decided to remain silent and she always said, "I can handle it."
"Maybe she loves the guy," I said in the middle of their conversation. I wanted them to stop talking about how terrible Jessa's life with this guy. They stop talking and someone suddenly said, "maybe." I don't want to hear any more about her situation right now. I feel the pain just by thinking about how she's experiencing those beating. I'm just thinking about how to save her with that man and to pull her from that mad lifestyle. Then I let the night pass with fun.
Tagalog
Kinaumagahan nag jogging ako para madaanan ang bahay nila Jessa. Gusto kong masaksihan kung totoo ba ang sinabi nila noong nakaraang gabi. Naglakad ako ng dahan-dahan ng eksaktong nasa harap ako ng bahay nila. Narinig kong sumisigaw si Jonathan. Hindi ko naman narinig na umiiyak si Jessa kaya kahit papano ay gumaan ang dibdib ko. Ayoko kasing marinig na umiiyak si Jessa. Kahit ngayon ramdam ko pa ang sakit kapag nakikita ko syang ganyan. Dumiretso nalang ako sa paglakad dahil tingin ko mali yong mga barkada ko.
English
I woke up early to jog and just a reason to pass in Jessa's house. I want to know if what they said was true last night. I'm walking when I'm in front of Jessa's house. I'm hearing Jonathan is shouting. I don't hear the voice of Jessa if she's crying or not and I feel a bit lighter inside. Until now I could still feel pain every time I saw her crying. I don't want to hear her or see her in that state. I then decided to go and leave because I think my friends were wrong.
Sa paglalakad ko papaalis sa bahay nila bigla kong bakita si Jessa nakaupo sa ilalim ng kahoy. Umiiyak ito sa tahimik at tinatakpan ang bibig para hindi makalabas ang boses sa pag iyak. Nang matanaw ko ito parang sinaksak ako sa dibdib, nadurog ang puso ko. Napakasakit pagmasdan ang labis na pag-iyak. Nilapitan ko sya habang hindi ko maipaliwanag ang isipan ko sa galit. Bigla ko sya'ng niyakap para damayan. Napaiyak ako at sinabihan ko sya, "Bakit nagtitiis ka sakanya?"
Nagulat sya at pagkarinig nya sa boses ko yumakap sya sa akin. Siguro gumaan ang pakiramdam nya dahil andyan ako kaya umiyak sya ng husto.
"Saan naman ako pupunta?" Sagot nya habang paos ang boses dahil sa pag iyak.
"Ano kaba, andito ako." Sabi ko sakanya para lumakAs loob nya.
"Pero hindi sayo to?" Sabi nya habang tinutukoy ang buntis nyang sinapupunan.
Niyakap ko sya ng mahigpit. Yakap na nagsasabing sobra ko syang namimiss. Hinigpitan ang yakap at sabay sabi, "Tatanggapin ko yan dahil mahal kita."
English
While I'm walking to leave their house. I saw Jessa sitting under the tree crying. She covers her mouth to avoid the voice of her crying will come out. I feel like I'm being stabbed by a knife in my chest. My heart is breaking into pieces. I approach her while I can't explain the madness in my face. I hug her right away to comfort her. I also cry and tells her, "Why you're enduring it all?"
I startled her but when she recognised my voice. She hugs me as well. Maybe she feels comfortable because she cries more.
"Where will I go?" She replied while she can barely talk because of crying.
"What are you talking? I am here for you." I explained.
"But this is not yours?" She said while showing her pregnant stomach.
I hug her tightly. A hug that says I miss her so much and said, "I'll accept it because I love you so much."
Tagalog
Agad-agad ay sumama sya sa akin at sinamahan ko sya pumunta sa pulisya. Pinaliwanag nya lahat at hinuli si Jonathan. Pinakita nya ang mga bruises sa pananakit ni Jonathan sa mga pulis. Agad hinuli si Jonathan at nakulong dahil nakuhaan pa ng druga. Nagpapasalamat naman ako dahil hindi pa pala sila kasal. Alam ko mahal ko sya kaya pinakasalan ko sya ng walang pagdadalawang isip. Ngayon sigurado ako hindi ko na sya pakakawalan.
English
She comes with me right away and I accompanying her in going to a police station. She told the Police everything and she shows the bruises in her body from Jonathan's beating. Jonathan is being apprehended immediately and sentenced to be in jail because a drug was being taken from him. I'm thankful because they are just a live-in partner. I know I love her so without a second thought I married her. This time I'm sure of not letting her go.
End