Kaibigan lang?


unsplash

Nqgising akong walang damit kasama si Kesha. Matalik ko syang kaibigan. Mahala ko sya pero may mahal syang iba. Gusto lang nyang makipag para malibang. Naging ganyan sya simula ng iwanan sya ng lalaking pinakamamahal nya. Hanggang ganyan lang daw kami para malaya sa sakit. Hindi nya alam mahal ko sya matagal na. Sumabay ako sa gusto nya at dahil mahal ko sya. Tutulongan ko sya kung ano ang magagawa ko para sakanya.

"Tara Jerick." Sabi ni Kesha sa akin at may nangyari nanaman sa amin. Nasundan ito ng nasundan pa pero gusto ko hindi lang sana ganito kami.

"Kesha, mahal kita." Sinabi ko sakanya bago kami gagawa ulit. Natawa sya sa akin at sabi, "Nagbibiro kaba?" Humalik sya sa akin pero pinigil ko ito.

"Seryoso ako!"
"Nag-usap na tayo tungkol dito, diba?" Paliwanag nya
"Alam ko, pero bago pa yon mahal na kita." Pilit kong pinaintindi sakanya.
"Ano ba naman to!!" Galit nyang sabi at umalis.

Simula noon hindi na sya nagpapakita kaya nangungulila ako sakanya. Pinupuntahan ko sya sa bahay nila pero ayaw nyang lumabas. Kapag nagkatagpo kami sa daan binabalewala nya lang ako. Ilang araw pa ang lumipas at ayaw pa rin nya akong pansinin at kausapin. Tinanggap ko na lang kahit masakit. Minsan nagkasundo ang barkada para magsamasama. Umiwas ako sa kanya para hindi sya mairita. Gusto ko syang yakapin at titigan. Hindi ko ginawa kasi ayokong magulohan sya sa akin. Alam ng buong barkada kung gaano kami kalapit na magkaibigan ni Kesha. Nagtataka sila kung bakit hindi kami nag-uusap o nagpapansinan.

"May problema ba sa inyong dalawa ni Jerick?" Narinig kong tinanong sya ni Arya. Umiling lang si Kesha at ngumiti. Lumalim na ang gabi at napadami na ang inum ng alak. Lahat kami ay lasing na. Tumogtog ang malumanat na kanta galing sa speaker ng biglang nilapitan sya ng kaibigan. Si Harold ay kapitbahay ko at medyo malapit kong kaibigan.

"Kesha, bakit hindi mo na pinapansin si Jerick?" Sabi ni Harold sa lasing na boses. Lasi na rin ang iba kaya sumabat sila. "OO NGA!!" Tapos nagsitawanan silang lahat. Tumayo ngayon bigla si Kesha at tinuro ako.

"TRAYDOR KASI SYA!!" Malakas ang boses nya dahil sa kalasingan. Ako naman parang biglang naging normal sa katinoan dahil sa sinabi nya. Natahimik ang lahat at yumuko nalang ako. Hindi lang hiya ang naramdaman ko. Sakit na tumagos talaga sa puso. Ngumiti ako at sumagot ng pabiro. Lasing kana pala. " Nag-aasta akong lasing para kung baga hindi seseryosohin ang sinabi nya. Umupo ulit si Kesha at tinuloy ang kasiyahan. Ako naman dahan-dahang umalis ng napansin kong libang na libang sila. Tumambay ako sa isang beer house at naglasing buong gabi. Umiyak ako habang umiinum at hanggang nakatulog ako.

unsplash
Hindi ko na alam paano ako nagising na nasa bahay na. Masakit ang ulo ko dahil sa kalasingan pero mas masakit ang aking puso.

"Ma, Pa busy ako sa trabaho kaya hindi muna ako uuwi. Uupa muna ako ng apartment pero wag kayo mag-alala bibisitahin ko naman kayo."

Nagpaalam ako sa magulang sa pag alis ko. Naawa ako sa sarili ko kaya gusto kong mapag-isa. Nagpalit ako ng number at deactivate ko Facebook ko. Sa ganitong paraan makaiwas ako sa pagtitipon at maiiwasan ko si Kesha. Agan naman ay may offer na dumating sa akin para sa ibang bansa. Tinanggap ko ito kahit halos ayaw pumayag ng magulang ko. Wala naman silang magagawa dahil determinado ako. Malungkot da lugar na wala kang kakilala pero hindi ko napansin ang panahon. Isang taon na pala ang nagdaan.

"Jerick, asan kanaba?" Sabi ni Anda sa phone. Sya ay naging girlfriend ko sa ibang bansa at sabay kaming umuwi.

"Andito na ako sa labas.," Sagot ko

Dinala nya ako sa lugar ng kaibigan nya dahil binyag sa anak nya. Pumasok agad ako ng dinala ako ni Anda. Napansin ko ang mga kabarda.

"Uy, Jerick kumusta kana?"
"Hindi kana nagpapakita sa amin ah."
"Wala ka man lang pasabing aalis ka."

Mga salubong na salita galing sa mga kaibigan ko.

"Bakit andito kayo?" Pagtatakang tanong ko sakanila.

Nagsitinginan sila sa isa't isa at tinanong ako.
"Hindi mo ba alam kung kaninong bahay to?"
"Hindi, inaya lang ako ng girlfriend ko. Sya nga pala mga tol si, Anda pala. Pakilala ko sa kanila girlfriend ko.

unsplash
Nagulat ang lahat pero hindi dahil sa girlfriend ko. Nagulat sila na hindi ko alam na andito ako sa bahay ni Kesha. Nakita ko syang lumabas bitbit ang anak nya. Sa tingin ko lang anak nya dahil sa pakiramdam ko.

"Bahay to ni Kesha, tol at binyag ngayon ng anak nya."

Natahimik ako saglit pero ngumiti ako para hindi mahalatang apeltado ako.

"Talaga?" Pasensya na wala na kasi akong balita sa inyo.

"Kumusta Jerick?" Biglang tanong ni Kesha.

Nagulat ako sa tanong nya. Hindi ko sya matingnan sa mga mata pero pinilit ko ang sarili.

"A-a-ayos lang naman. Ikaw ba kumusta?"
"Ayos lang din kahit nilayasan ako ng bata." Pabiro nyang sagot.
"Kung ako lang sana--"
"Ano?"
"Wala," Pabiro kong salita.

Nagtataka siguro si Anda kung bakit nagbibiruan kami ni Kesha kaya nagtanong sya.
"Magkakilala kayo?"

Tumango kaming dalawa ni Kesha at pahabol kong salita. Sa totoo lang malapit pa dyan pero dati lang yon."

Ngumit ako at si Kesha ay tumalikod. Hindi ko alam bakit ganoon.


unsplash
Nag umpisa ng inuman dahil nagkasundo ang barkada. Pinahawak ni Kesha ang anak nya sa Yaya parw sumabay sa amin. Hindi nga lang sya pwede uminum.

Napakabilis natapos ang gabi at hindi ko namalayan umaga na. Naramdaman ko nalang sumasakit aking mukha sa paggising. Nasa labas kami lahat pwera kay Anda. Hinanap ko sya at sinobukang tawagan. Ngunit hindi ko sya matawagan. Nagtatataka ako kaya papasok sana ako sa bahay ni Kesha para hanapin sya doon. Nakita kong nakangiti si Kesha ng tingnan ko sya. Yumuko lang ako at tinanong sya.

"Nakita mo ba sin Anda?"
Nagulat ako sa tawa nya.
"Wala kabang naalala?" Pangungutyang tanong nya.
"Wala eh.."

Patuloy syang ngumiti at sinabihan akong maghilamoa muna o di kaya maligo.

"Wag na, sa bahay na,"Sagot ko.
" Pagkatapos ng ginawa mo kagabi tatanggihan mo ako ngayon. Pabiro nyang sabi.
"Ano nga ba kayang ginawa ko." Tanong sa sarili.

Naghilamos ako at pagkatapos bumalik ako sa labas. Naglapag ng pagkain si Kesha sa mesa sa labas habang lahat sila nagtatawanan na pinapanood ang phone ni Harold.Napakasarap pagmasdan ang ngiti ni Kesha. Nilapitan ko bigla," Ahem... ahemm.. Anong meron?"

"Pare, wala kaba talagang naalala kagabi?" Tanong ni Harold sa akin habang kinakantsawan nila ako.

"Ano ba kasing nangyari?!!" Pairita kong tanong.

Bigla nilang inabot ang phone ni Harold at sabi.
"Panoorin mo ang video na yan."

Agad kong pinanood habang pinikit ko ang aking mga mata dahil sa ginawa ko kagabi. Kaya pala ansakit ng mukha ko. Nilapat ko ang kamay sa pisngi at dahan-dahang tumingin kay Kesha. Ngumiti naman sya kaya hindi ako nagsisi sa ginawa ko kagabi. Tiningnan ulit ko sya at patuloy ang tawa nya. Tumayo ako bigla at hinalikan ko sya sa labi. Nagulat sya sa ginawa ko pero humalik din naman sya. Naghihiyawan ang mga barkada at nagpalampakan.

"Yan ulitin nyo. Wala ng sasampal sayo Jerick dahil wala na si Anda."

Nagtatawanan sila at tumigil ako sa paghalik. Nakalimutan kong andyan pala ang barkada. Nadala ako sa emosyon ko ng maramdaman kong mahal ako ni Kesha. Pinaliwanag rin nya na anak ko rin ang anak nya. Natakot kasi sya dati kaya umiwas sa akin. Takot syanf mawala ang mahal nya at matalik na kaibigan. Nalilito sya noon at ng malaman nyang buntis sya hindi nya alam paano ako kontakin. Buti nalang nalaman nya tungkol sa akin dahil kay Anda na kaibigan mya din. Hinintay nyang umuwi ako para pabinyagan ang bata.

"Umalis na tayo at maghahoneymoon pa yan sila." Sabi ng barkada at nagtawanan silang umalis. Niyakap ko ng mahigpit si Kesha dahil nanggigil ako sa kanya at hinalikan sa labi.

END